Kung ganyan adjective na ididikit mo sa unang kung-ano-man mo, swerte ka. Totoong hindi lahat ng firsts eh memorable. Merong lilipas na hindi mo man lang maaalala ang first na iyon o sadyang ibabaon sa limot dahil sa pait o kahit makabuluhan eh natabunan na lang ng mga bagong karanasan. Kagaya na lang ng first kiss mo sa pangit mong jowa na pinatulan mo lang kasi trip mong makaranas ng halik bukod sa kiss ng nanay mo, pwede ring first time mong ikaw lang ang bumagsak sa quiz sa klase niyo na malamang matagal mo nang ki-ctrl+alt+del sa alaala mo, isali mo na rin dito ang unang beses kang natae sa brief o panty na sadyang kay pait sa memorya mo at ng underwear mo.
Subukan nating i-apply sa sarili kong karanasan. Kung gugunitain ko ang mga naganap sa lahat ng nakalipas sa buhay ko, mai-kakategorya ko sa matamis firsts ang aking unang beses mag-top 1 sa klase (tangina, nagyabang), idadagdag ko na din dito ang tamis ng una kong pagkakaroon ng cellphone at mga gadgets na cool nung panahong early 2000's at isasabay ko na rin dito ang unang beses kong manalo ng best in costume sa isang singing contest (panis!).
Hindi ako perpekto kaya ilalahad ko na rin ang aking mga pait firsts kagaya na lang ng unang beses madurog ang aking puso (batang pag-ibig), una't huling beses akong iwan ng aking pinakamamahal na ama, unang beses na naiihi ako sa salawal noong Grade 2 dahil sa takot ko sa titser ko at ang isa sa pinaka-ayokong maulit mula ang unang beses akong tutukan ng baril sa jeep.
Napansin mo ba? Na may kwento rin naman ang mga pait firsts kung ihahalintulad sa laging nakalahad na matamis na alaala? Oo, makabuluhan at masayang ibahagi ang mga matatamis pero mas may thrill ang tinagurian mga dirty/creepy little firsts. Tang-ines, pumapa-uso.
No comments:
Post a Comment