Mag-iisang taon ko na rin 'tong kasapi sa pag-se-surf sa 'net. Wala naman akong marereklamo sa "speed" niya sa kasalukuyan, pero nung simula.. meron talaga. Kay bagal ng takbo, kala mo pagong na nasemento. Sa pagtagal, nakisama na rin siya at siguro "na-flex" na kaya bumilis. Hindi ko pa 'to nasusubukang dalhin sa malalayong lugar kaya wala akong mai-cocomment kung mabilis ba siya pag nasa probinsya na. May dalawang beses na kong nagpalit ng sim nito. Bigla-bigla kasing ayaw mag-unli. 'Yun ang talagang kina-badtrip ko.
Ito ang mga reklamo ko sa aking internet buddy:
- Minsan tinotoyo. biglang hindi pwedeng mag-Tumblr at mag-Facebook
- 800MB lang. UNLIMITED PERO MAY BANDWIDTH LIMIT. Ang galing bumenta ng Globe ah! Hindi ako nakakapag-DL ng mga movies at hindi ako pwedeng mag-youtube ng mag-youtube.
- Magastos. Nilo-loadan ko lang kasi 'to. P220 for 5 days. Kung hindi lang kailangang lagi akong online at kailangan ng source sa mga EBN..
Gusto ko na sanang lumipat sa Sun Broadband kaso baka hindi naman mabilis sa lugar namin (Makati) mag-aksaya lang ako ng pera.
hi! Globe din ako before pero lumipat ako sa sun kasi ambagal niya sakin sobra.. Well you can actually visit a sun cellular shop tapos pwede mo ipacheck dun kung malakas ang signal mo para malaman mo kung magiging mabilis siya..:)
ReplyDelete