Quiapo. Parte na ng kulturang Pinoy. Pamamanata, pananalig. Maraming kwento ang nakatalukbong sa pwede nating tawaging napaka-complex na lugar sa puso ng Maynila. Maraming dumadayo, lalo na kapag "First Friday" (Quiapo day) para magsimba at mag-novena. Ang simbahan ay isang banal na lugar.. ngunit hindi naman makakailang ang paligid nito ay pugad ng mga snatcher, mga batang parte malamang ng sindikato ('yung mga batang may hawak ng sampaguita at mga prayer books at necklace ni Nazareno na sasabihan ka pa ng: "Gago, ang damot mo!" kapag hindi mo binili ang kanilang binebentang produkto), mga nagbebenta ng piratang DVD (ngayon ata nagbakasyon muna sila) at mga kotong-cops. May touch ito ng irony, ang Quiapo church at ang tunay na paligid ng Quiapo.. kung alam mo ang nais kong ipahiwatig.
Ngayon, anong koneksyon ng jeep sa Quiapo? Let's do the common comparison..
Ang jeep o jeepney, parte din ng Pinoy culture. Tatak nga natin 'yan eh. Sabi nila, hindi ka raw tunay na Noypi kung hindi ka pa nakakasakay ng Jeepney. Kagaya ng Quiapo, marami ka ring ma-o-obserbahang iba-ibang scenario at happenings sa isang P8 o P7 (estudyante/senior) na byahe, dagdagan mo na lang kung mas malayo sa normal ang byahe mo. Nandyan ang mga mag-jowang hindi maka-intindi sa depinisyon ng "Pampublikong sasakyan", ang mga snatcher na nag-aabang sa pinakamalapit na stoplight, ang mga nagyayabang ng kanilang gadget dahilan para manenokan ka sa jeep, ang mga makasariling ayaw mag-abot ng bayad, ang mga nangongotong sa mga jeepney drivers, mga batang biglang aakyat at magdidistribute ng envelope na may nakasulat na.. "Ate/Koya, penge po ng pera pambili lang ng
Quiapo.. isang malaking repleksyon ng mapaglarong mundo. Kung hindi mo ma-explore at tingin mo masyadong malaki, magmasid ka ng maiigi sa byahe mo sa jeep. Kung imumulat mo ang mga mata mo, mapagtatanto mong ganyan na talaga ang lagay ng 'Pinas. Akala mo'y konti lang ang flaws pero sa totoo lang, pakomplikado na ng pakomplikado ang kinalalagyan.
mas maganda pa yung pagkakasulat mo nito na tungkol sa quiapo kesa sa quiapo mismo.. galing
ReplyDelete