Maraming advantage ang pag-inom ng session type, ('yung simpleng gathering lang, hindi party-party sa club na tipo) kasi ito ay:
1. Tipid. kaya nga patak-patak lang eh, hindi buhos-buhos. Kung marami kayo kahit tig-100 lang kayo swak ng pambasagan 'yun basta ayos ang mix. Hindi kailangang bongga ka, bukod na lang kung beerday mo. Sa club kasi kailangang kargado ka rin ng pera, 'yung P21 na pamatid-uhaw sa alak, sa club pwedeng umabot ng P50.
2. Intimate. Hindi 'yung maglalandian kayo ng mga ka-inuman mo, intimate in a sense na nakakapag-usap kayo ng parang heart-to-heart, lalo na 'pagka nag-sink in na ang tama ng alak na makakapagpasabi sa'yo ng mga hindi mo dapat sabihin na tinatagong damdamin.
3. Chill. Relax at petix lang, no need para magbihis ka ng ka-aya-aya kasi wala namang bouncer na sisita sa suot mo. Kahit nakapambahay ka lang, 'wag lang 'yung para kang pupunta sa Bora o itsurang-manyakis.
4. Semi-adventure. Makakatuklas ka ng maraming adventurous drinks na out-of-this-world. Minsan kasi, on the spot na lang nakaka-isip ng mga timpla, minsan halaw sa mga natututunan sa iba pang kabarkada o sa mga sikat na mix na nakabalandra na ng matagal.
5. Pribado. Kayo-kayo lang ang makakaalam ng pagka-basag ng bawat isa, pero kung may kasamang kamera, pati ang mundo ng Facebook ay makakatunog din ng happenings. Kung itutulad mo sa mga bar na pag plumakda ka eh maraming magtitinginan, sa simpleng session tutulungan ka pa ng iyong mga kaibigan kahit pa sila eh sukahan mo at iyakan mo na parang ma-oy na bata.
Patak patak panawid kasiyahan :D
ReplyDelete