Saturday, October 22, 2011

Globe Tattoo Broadband Stick


Mag-iisang taon ko na rin 'tong kasapi sa pag-se-surf sa 'net. Wala naman akong marereklamo sa "speed" niya sa kasalukuyan, pero nung simula.. meron talaga. Kay bagal ng takbo, kala mo pagong na nasemento. Sa  pagtagal, nakisama na rin siya at siguro "na-flex" na kaya bumilis. Hindi ko pa 'to nasusubukang dalhin sa malalayong lugar kaya wala akong mai-cocomment kung mabilis ba siya pag nasa probinsya na. May dalawang beses na kong nagpalit ng sim nito. Bigla-bigla kasing ayaw mag-unli. 'Yun ang talagang kina-badtrip ko.

Ito ang mga reklamo ko sa aking internet buddy:

  • Minsan tinotoyo. biglang hindi pwedeng mag-Tumblr at mag-Facebook
  • 800MB lang. UNLIMITED PERO MAY BANDWIDTH LIMIT. Ang galing bumenta ng Globe ah! Hindi ako nakakapag-DL ng mga movies at hindi ako pwedeng mag-youtube ng mag-youtube.
  • Magastos. Nilo-loadan ko lang kasi 'to. P220 for 5 days. Kung hindi lang kailangang lagi akong online at kailangan ng source sa mga EBN..
Gusto ko na sanang lumipat sa Sun Broadband kaso baka hindi naman mabilis sa lugar namin (Makati) mag-aksaya lang ako ng pera.

Friday, October 21, 2011

Third year - First Sem: Anyare?


Ikatlong taon sa kursong BS Nursing. Unang semestre. Ano nga ba ang mga nangyari?

Simulan natin sa mga Minor Subjects.. Hindi ko akalaing swerte pa pala 'ko sa mga professors ko. 'Yung sa Humanish*t kasi at sa Rizal eh hindi ko talaga trip ang ugali, pero ok naman pala sila magbigay ng grade. 'Yung sa Humanities parang laging give-away, well, lantaran kasi 'yung kopyahan sa subject lalo na sa likod. Ganun din sa Rizal na sobrang pa-major pagka exams na. Cover-to-cover nga 'yung Finals namin eh. Inamin ko, may mga pagkakataong nagkasalang-estudyante rin ako, hindi maiiwasan 'yun at kung sasabihin mong hindi mo napagdaanan 'yun, sisipain kita sa noo! Kung tungkol naman sa Biopetix, este, Bioethics, ayos lang ang tinakbo ng subject, may mga film showing at mas naging aware ako kung morally right ba ang mga nangyayari sa paligid.. Nuks, kala mo totoo. exempted nga pala 'ko sa Final exam sa subject, nag-report kasi ako eh.

Additional info: Talsik-laway prof namin sa Humanities, Rakistang hawig ni Tado sa Rizal, at mukhang semenarista naman sa Bioethics!

Major-major subject. NCM. 6 concepts, 6 din ang pinagdutyhan, 12 (6 sa lecture, 6 sa duty) na iba't-ibang C.I. ang pinakisamahan.

Oh, duty muna tayo.. Masaya at fulfilling kahit nakakapagod at hindi maiwasan ang pagiging toxic sa paper works. OPD sa PNPGH (aircon dito, susyal!), DR sa CSV, OR sa Tondo Med., Pedia Ward sa Ospital ng Sampaloc (bawal maupo kasi magagalit si Sharon), Community sa Corazon De Jesus, San Juan at sobrang magastos na DR/OR sa Zamora Medical Clinic sa San Jose Del Monte, Bulacan.. Kung ako tatanungin mo, babalikan ko 'yung CSV at Tondo Med. Madami kasing case at super sarap kasama nung mga C.I., swabeng duty ba. Hindi 'yung masyadong toxic.

Oh, dito na tayo sa lecture part. Ito 'yung 4 hours straight na klase na swertihan na lang kung mataas o mababa magbigay ng grade 'yung mga C.I., Surgery, Endocrine, GIT-Metab, Fluids & Electrolytes, Oxy-Respi, Oxy-Cardio. Nakakakanta pa kami ng shufflers sa unang limang parte ng lecture, pagdating sa Oxy-Cardio.. PLAKDA! Hindi naman sa bagsak pero ma-ala tigre 'yung C.I. namin, pero infairness.. magaling talaga siya magturo. AMPOTA! IDOL! Marami naman akong natutunan, 'yung iba lang talaga eh napaka-boring magturo na lumalabas pa 'ko ng room para matulog. I'm so sorry.. Nga pala, meron pa akong pinagdaanang Revalida at Compre Exam. Pasado ak osa Revalida.. 'Yung sa Compre.. muntikan na. Almost. Almost. Hehe.

Maraming experiences at adventures ang nakapaloob sa Sem na 'to. Makabuluhan at masaya. Sana eh mas magalingan ko pa sa susunod na Sem! Kaya 'to! Salamat sa Diyos at matino ang grades ko! :)

Wednesday, October 19, 2011

Thank you for making NAIA #1!

Yes, we've been in the spotlight again! Number one sounds real good but not with this kind of category. NAIA ranked first in the list of worst Airports around the world. From the disgraceful 5th place to 1st? As usual, the previous corrupt assigned officials will be the one to blame; and I guess they should be. What are the NAIA people trying to prove? They can't say Filipinos should not expect more because Pinoys do pay taxes and its their job to utilize and return the favor of showing where the citizens' money are going to.

The Philippines has been left behind by the countries that surround us, neighboring countries. Hong Kong, Singapore, Malaysia, etc. They all have airports that the foreign and local tourists would love. Awesome facilities, accommodating staff, good security system, and many more. How I wish there would be an overhaul make-over for NAIA. Tss.

We can't run away from the truth, we're number one.. so maybe the least we can do is be proud of it. Sarcasm, I know.. but it will truly take ages before we could be Number 1 in the list of "world's most beautiful airports".

Tuesday, October 18, 2011

Ang jeep ay isang malaking Quiapo.

Tumpak ka sa impresyon mo. Ang titulo ay inspired mula sa linya ni Carmi Martin sa pelikulang mabentang-mabenta.. Ang "No Other Woman".

Quiapo. Parte na ng kulturang Pinoy. Pamamanata, pananalig. Maraming kwento ang nakatalukbong sa pwede nating tawaging napaka-complex na lugar sa puso ng Maynila. Maraming dumadayo, lalo na kapag "First Friday" (Quiapo day) para magsimba at mag-novena. Ang simbahan ay isang banal na lugar.. ngunit hindi naman makakailang ang paligid nito ay pugad ng mga snatcher, mga batang parte malamang ng sindikato ('yung mga batang may hawak ng sampaguita at mga prayer books at necklace ni Nazareno na sasabihan ka pa ng: "Gago, ang damot mo!" kapag hindi mo binili ang kanilang binebentang produkto), mga nagbebenta ng piratang DVD (ngayon ata nagbakasyon muna sila) at mga kotong-cops. May touch ito ng irony, ang Quiapo church at ang tunay na paligid ng Quiapo.. kung alam mo ang nais kong ipahiwatig.

Ngayon, anong koneksyon ng jeep sa Quiapo? Let's do the common comparison.. 

Ang jeep o jeepney, parte din ng Pinoy culture. Tatak nga natin 'yan eh. Sabi nila, hindi ka raw tunay na Noypi kung hindi ka pa nakakasakay ng Jeepney. Kagaya ng Quiapo, marami ka ring ma-o-obserbahang iba-ibang scenario at happenings sa isang P8 o P7 (estudyante/senior) na byahe, dagdagan mo na lang kung mas malayo sa normal ang byahe mo. Nandyan ang mga mag-jowang hindi maka-intindi sa depinisyon ng "Pampublikong sasakyan", ang mga snatcher na nag-aabang sa pinakamalapit na stoplight, ang mga nagyayabang ng kanilang gadget dahilan para manenokan ka sa jeep, ang mga makasariling ayaw mag-abot ng bayad, ang mga nangongotong sa mga jeepney drivers, mga batang biglang aakyat at magdidistribute ng  envelope na may nakasulat na.. "Ate/Koya, penge po ng pera pambili lang ng rugby pagkain."

Quiapo.. isang malaking repleksyon ng mapaglarong mundo. Kung hindi mo ma-explore at tingin mo masyadong malaki, magmasid ka ng maiigi sa byahe mo sa jeep. Kung imumulat mo ang mga mata mo, mapagtatanto mong ganyan na talaga ang lagay ng 'Pinas. Akala mo'y konti lang ang flaws pero sa totoo lang, pakomplikado na ng pakomplikado ang kinalalagyan.

Monday, October 17, 2011

Patak-patak.

Hindi maiwasang gumawa ng hindi inaasahang bagay. Inuman. Tamang alak, tamang mix, tamang amats kasama ang mga tamang taong gusto mo, tamang kaibigan o tamang mga kamag-anak o tamang stranger. Tama na sa tama. May ilan namang magkakabarkada na hindi talaga parte ng bonding ang pag-iinuman at ok lang 'yun. Kanya-kanyang trip lang anman 'yan kung pa'no kayo mag-eenjoy together.

Maraming advantage ang pag-inom ng session type, ('yung simpleng gathering lang, hindi party-party sa club na tipo) kasi ito ay:
1. Tipid. kaya nga patak-patak lang eh, hindi buhos-buhos. Kung marami kayo kahit tig-100 lang kayo swak ng pambasagan 'yun basta ayos ang mix. Hindi kailangang bongga ka, bukod na lang kung beerday mo.  Sa club kasi kailangang kargado ka rin ng pera, 'yung P21 na pamatid-uhaw sa alak, sa club pwedeng umabot ng P50.
2. Intimate. Hindi 'yung maglalandian kayo ng mga ka-inuman mo, intimate in a sense na nakakapag-usap kayo ng parang heart-to-heart, lalo na 'pagka nag-sink in na ang tama ng alak na makakapagpasabi sa'yo ng mga hindi mo dapat sabihin na tinatagong damdamin. 
3. Chill. Relax at petix lang, no need para magbihis ka ng ka-aya-aya kasi wala namang bouncer na sisita sa suot mo. Kahit nakapambahay ka lang, 'wag lang 'yung para kang pupunta sa Bora o itsurang-manyakis. 
4. Semi-adventure. Makakatuklas ka ng maraming adventurous drinks na out-of-this-world. Minsan kasi, on the spot na lang nakaka-isip ng mga timpla, minsan halaw sa mga natututunan sa iba pang kabarkada o sa mga sikat na mix na nakabalandra na ng matagal. 
5. Pribado. Kayo-kayo lang ang makakaalam ng pagka-basag ng bawat isa, pero kung may kasamang kamera, pati ang mundo ng Facebook ay makakatunog din ng happenings. Kung itutulad mo sa mga bar na pag plumakda ka eh maraming magtitinginan, sa simpleng session tutulungan ka pa ng iyong mga kaibigan kahit pa sila eh sukahan mo at iyakan mo na parang ma-oy na bata.

Tuesday, October 04, 2011

Tamis ng unang..

Masarap. Malasa. Swabe sa tastebuds. Wagas. Idagdag mo pa lahat ng pwedeng i-akibat sa salitang maraming beses na nagamit sa mga lovestory sa pelikula/teleserye o di kaya sa paborito mong OPM song.. ang "tamis".

Kung ganyan adjective na ididikit mo sa unang kung-ano-man mo, swerte ka. Totoong hindi lahat ng firsts eh memorable. Merong lilipas na hindi mo man lang maaalala ang first na iyon o sadyang ibabaon sa limot dahil sa pait o kahit makabuluhan eh natabunan na lang ng mga bagong karanasan. Kagaya na lang ng first kiss mo sa pangit mong jowa na pinatulan mo lang kasi trip mong makaranas ng halik bukod sa kiss ng nanay mo, pwede ring first time mong ikaw lang ang bumagsak sa quiz sa klase niyo na malamang matagal mo nang ki-ctrl+alt+del sa alaala mo, isali mo na rin dito ang unang beses kang natae sa brief o panty na sadyang kay pait sa memorya mo at ng underwear mo.

Subukan nating i-apply sa sarili kong karanasan. Kung gugunitain ko ang mga naganap sa lahat ng nakalipas sa buhay ko, mai-kakategorya ko sa matamis firsts ang aking unang beses mag-top 1 sa klase (tangina, nagyabang), idadagdag ko na din dito ang tamis ng una kong pagkakaroon ng cellphone at mga gadgets na cool nung panahong early 2000's at isasabay ko na rin dito ang unang beses kong manalo ng best in costume sa isang singing contest (panis!).

Hindi ako perpekto kaya ilalahad ko na rin ang aking mga pait firsts kagaya na lang ng unang beses madurog ang aking puso (batang pag-ibig), una't huling beses akong iwan ng aking pinakamamahal na ama, unang beses na naiihi ako sa salawal noong Grade 2 dahil sa takot ko sa titser ko at ang isa sa pinaka-ayokong maulit mula ang unang beses akong tutukan ng baril sa jeep.

Napansin mo ba? Na may kwento rin naman ang mga pait firsts kung ihahalintulad sa laging nakalahad na matamis na alaala? Oo, makabuluhan at masayang ibahagi ang mga matatamis pero mas may thrill ang tinagurian mga dirty/creepy little firsts. Tang-ines, pumapa-uso.