Tuesday, November 15, 2011

Call of Duty (3rd Yr - 2nd Sem)

Simula na ng adventurous duty days.. again. Maraming makakasalamuhang tao at mga sakit at iba't-ibang sitwasyong expected at unexpected. Duty sa ward, sa DR (favorite), sa OR (favorite), Mental Hospital (first-timer) Bagong pakikisama sa mga bagong ka-grupo at mga C.I. at bagong mga destinasyon na makukuhanan ng pagkatuto.

Marami na namang bagong experience ang mararanasan. Dyahe lang dito 'pagka medyo toxic ang environment, pero as long as maganda ang jive ng grupo eh tsak makakayanan din lampasan. Sandamakmak na paperworks, ubusan ng pahina ng tickler, paraphernalia para sa Vital Signs, ang Clinical Uniform, ang white shoes ko na medyo pumapalag na ang pagka-puti at hindi na makipagkasundo sa Kiwi White, at ang scrub suit kong ang sarap isuot pagtulog.

Good luck sa duty ng grupo namin ngayong Sem. Sana umulan ng cases, sana maraming bagong learnings, sana maipasa lahat ng case pres, sana konti lang ang gawing NCP (imposible), sana hindi magastos. Update pa lang din ito, babalikan ko at gagawan ng review ang bawat duty sa bawat tapos ng isang rotation.